Teacher Mary
Pinoy Teachers Importante ba ang lahi sa pagtuturo ng English? Nalungkot ako ng mabasa ko ang isang komento ng isa sa mga naging studyante ko. Napaisip tuloy ako. importante ba ang lahi sa pagtuturo ng English? " I am a little annoyed by the fact that my teacher is a Filipino." sabi ng studyante. Para sa akin hindi hadlang at hindi importante ang lahi sa pagtuturo ng salitang English. Hindi porket pinoy ka hnidi kna magaling, Hindi porket kano o amerikano ka ikaw na ang magaling. Sana lang igalang at respituhin natin ang bawat isa. Maging studyante man o maging guro kapa. Sabi nga "Don't judge the book by it's cover."
2015년 3월 8일 오전 12:14
교정 · 3
Hindi natin maiiwasan na makatanggap ng mga ganyang komentaryo lalo na't ang wikang Ingles ay atin lamang ikalawang lengguahe. Gayunpaman, sumasang-ayon ako na hindi dapat ito maging hadlang upang makapag turo tayo ng wikang Ingles sa ibang tao. Hindi natin maiiwasang may mga tao na nag iisip ng ganya, pero naniniwala akong may mga taong pagpapahalagahan ang iyong pagiging dalubhasa sa wikang iyong itinuturo. Mayroon tayong tinatawag na "lexical differences". Ito ay ang pagkakaiba ng pag-gamit ng mga lengguahe depende sa lugar kung saan ito ginagamit. Kung ang iyong mga mag-aaral ay nag-aaral pa lamang ng wastong balarila (gramatika), sapat nang Pilipino ang magturo nito sa kanila. Dahil tayo ay may sapat na kaalaman na nagmula sa pag-aaral ng wikang Ingles mula mababang paaralan hanggang kolehiyo. Nakakatawa nga minsan na mas madali para sa atin sagutin isalin (translate) sa Ingles ang mga banyagang salita kaysa sa wikang Filipino. Kung ang iyong mag-aaral ay nagnanais na magsalita at magkaroon ng kaalaman kagaya ng mga native English speakers, maari mo sigurong imungkahi sa kanya na umupa ng katutubong guro mula Amerika o Inglatera. Hehe.
2015년 3월 9일
Tama si Faith na hindi ganiyan ang lahat ng studyante dito sa italki. Para sa akin noong sinubukan kong magturo ng Tagalog, kaunti lang ang mga nagpaturo sa akin, siguro dahil nakita nila na di ako Filipino... Nangyari na kahit Tagalog teacher lang ang nakalagay sa profile ko, nagkaroon ako ng mga English student dahil akala nila na magaling akong magturo ng English. Sa totoo, mas comfortable akong magturo ng Tagalog dahil talagang pinag-aralan ko ang grammar ng wikang ito at may experience ako sa pagtuturo nito sa mga native English speaker, di katulad ng English na kung saan nahihirapan akong magpaliwanag ng mga konsepto nang mabuti :/ Huwag kang malungkot dahil dapat para sa mga studyante mo mas importante ang training at experience na meron ka sa pagtuturo kaysa sa lahi mo. Bago ka pa lang dito sa italki pero naranasan ko na basta masipag ka, may makukuha ka pa dito.
2015년 3월 8일
Hindi naman lahat ng studyante ganyan! Problema na nya yon bakit sya nagbook sayo eh alam naman nyang Filipino ka! Hindi tayo Natives but, atleast kaya nating magsalita near native ng 80%. Huwag mong ikalungkot mga bagay nayan. Kaya mababa ang rate natin dahil alam naman natin na hindi tayo natives diba? Enjoy your stay here! For sure makakakita kapa ng mga students na magiging kaybigan mo in the future. :)
2015년 3월 8일
더 빨리 진행하고 싶나요?
이 학습 커뮤니티에 참여하고 무료로 연습해보세요!